Ang Simple at Kumpletong Guide sa Gadget Pawning: #GadgetPangBudget

Andito na naman si Judith! Due date ng kuryente, due date ng tubig, due date ng renta, at kung anu-ano pa! Nakakadagdag pa sa stress kapag na-realize mong wala nang laman ang…

Ang Simple at Kumpletong Guide sa Gadget Pawning: #GadgetPangBudget

Andito na naman si Judith! Due date ng kuryente, due date ng tubig, due date ng renta, at kung anu-ano pa! Nakakadagdag pa sa stress kapag na-realize mong  wala nang laman ang wallet mo at zero balance na ang ‘yong savings account. 

Nakakarelate ka ba? Sa mga panahong nagigipit ka, alam mo bang pwede mong  pakinabangan ang mga lumang gadgets na nakatambak lang sa ‘yong bahay? 

Hindi mo na kailangang ibenta ang mga gadget na hindi mo na nagagamit. Pwede ka namang pumili ng mga bagay na pwede mong isanla para magkaroon ng extra budget. 

Gusto mo bang malaman kung gaano kadali ang gadget pawning? Narito ang isang quick and easy guide para sa mga tulad mong interesado sa gadget pawning:

#GadgetPangBudget: Your Guide to Gadget Pawning

Gadget Pawning: Ang Mga Dapat Mong Malaman

Marami na ang pamilyar sa jewelry pawning bilang isa sa mga pamamaraan para magkaroon ng extra cash. Pero maliban sa mga alahas, alam niyo bang pwede ring isanla ang gadgets? 

Pareho lamang ang proseso ng jewelry pawning at gadget pawning. Ang pagkakaiba lang, sa halip na jewelry ang collateral para sa loan, sa gadget pawning, mga items tulad ng cellphone o laptop ang kailangan. 

Narito ang mga steps para sa basic gadget pawning:

  1. Dalhin ang inyong item sa pinaka-malapit na gadget pawnshop para mabigyan kayo ng appraisal value.
  2. ‘Pag tinanggap na ng pawnshop ang inyong item, makukuha niyo na rin ang inyong cash/loan. Bibigyan rin kayo ng loan receipt para sa transaction.
  3. Bayaran ang loan amount within 30 days bago mag-expire ang inyong loan.
  4. Ipakita lamang ang loan receipt at ibabalik ng pawnshop ang inyong gadget.

TIP: Para makasigurong mababawi ninyo ang gadget na sinanla, kinakailangan ninyong bayaran ang loan bago mag-expire ang inyong sanla. Kailangan mo itong sundin para makaiwas sa pagkaremata ng item na iyong sinanla!

Anong Mga Gadgets Ang Pwede Kong Isanla?

May iba’t-ibang klase ng gadgets ang pwedeng isanla para magkaroon ng instant cash. Narito ang listahan ng mga gadgets na karaniwang tinatanggap sa mga sanlaan.

1. Smartphones

Sa panahon ngayon, ang smartphone ay isa na sa mga pang araw-araw na gadgets na ginagamit ng karamihan. Kung ikaw ay mayroong extrang smartphone na hindi naman palaging nagagamit at kapos ka sa cash, pwede mong isanla ang iyong spare phone kapalit ng extra money!

2.  Laptops

Kung bumili kayo ng bagong laptop, huwag mong kalimutan na may value pa rin ang iyong lumang laptop. Depende sa unit, model, at specs, maari mo pang isanla ang iyong laptop para magkaroon ng karagdagang pang budget!

3. Tablets

Ito ang gadget na may pinaghalong features ng smartphone at laptop. Gaya ng smartphones, marami na ding gumagamit ng tablet dahil kumportable itong gamitin. Maaari mong ipaappraise sa mga sanlaan ang iyong tablet para malaman ang katumbas na halaga nito.

4. Cameras

Maari ring isanla ang mga lumang DSLR na hindi na napapakinabangan. Kaysa itago at masira lamang sa paglipas ng panahon, mas mabuti pang ito’y iyong pakinabangan lalo na sa mga panahong kapos ka sa budget.  Kung good condition pa ang inyong photography gear, ‘wag mong hayaang ito’y nakatambak lamang!

Gadget Pawning Tips na Dapat Mong Tandaan 

Sa tulong ng mga pawnshops, maaari mong matugunan ang iyong pangangailan na magkaroon ng fast at easy extra money. Pero tulad din ng ibang ahensya, may mga tips na kailangan mong alalahanin at sundin para makasigurong maaappraise ng tama ang value ng inyong gadget na isasanla:

1. Linisin ang Item

Para maipakitang nasa good condition pa ang inyong gadget, siguraduhing walang alikabok at dumi ang iyong gadget na isasanla. Pwede kang gumamit ng microfiber cloth para matanggal ang mga senyales ng ‘wear and tear’ ng inyong gadget na maaaring mapansin at magpababa sa appraised value nito.

2. Suriin ang Gadget

Suriin muna nang mabuti ang inyong item na isasanla para malaman kung may kailangang ayusin bago ipa-appraise sa pawnshop. Tandaan, maaring hindi tanggapin ang gadget kung ito ay damaged na!

Saan Dapat Magsanla?

Marami nang pawnshops ngayon ang tumatanggap ng gadget para isanla, pero mas maganda pa rin kung ang iyong pipiliin ay safe at mapagkakatiwalaan. Ang CVM Pawnshop ay kilala bilang isa sa mga pangunahing sanlaan para sa gadget pawning. Dito makakasiguro kang magkakaroon ka ng extra budget habang ang gadget mo nama’y maiingatan kahit wala sa ‘yong pangangalaga!

Sa CVM Pawnshop, up to 50% higher ang appraisal rate kaya naman mas malaki ang inyong take-home amount sa gadget sanla. With more than 100 branches nationwide, hanapin lamang ang pinaka-malapit na CVM Pawnshop branch kung kailangan ng #GadgetPangBudget. Siguradong safe at trusted ang CVM dahil ito ay authorized din ng Bangko Sentral ng Pilipinas. 

Ano pang hinihintay? Bisitahin ang nearest CVM branch o kaya naman ay magsend ng message sa aming Facebook page para sa mga katanungan.

Helpful ba ang article na to? Bisitahin ang aming blog for more tips on money management!

Leave a reply