Mga Dapat Tandaan Para Makontrol ang Gastos Ngayong Undas

Papalapit na ang Undas at bukod sa pagdagsa ng tao sa mga sementeryo, asahan na naman ang mga gastusin. Karamihan kasi sa mga…

Mga Dapat Tandaan Para Makontrol ang Gastos Ngayong Undas

Papalapit na ang Undas at bukod sa pagdagsa ng tao sa mga sementeryo, asahan na naman ang mga gastusin. Karamihan kasi sa mga Pinoy ay bumibiyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya para magbigay ng respeto sa mga kapamilyang sumakabilangbuhay. May mga bagay din na kailangang bilhin tulad ng kandila, bulaklak, pagkain, at iba pa.

Higit sa lahat, maaari mong maranasan ang mga unexpected na gastos dala ng holiday rush and demand. Upang masigurong hindi lalagpas sa budget ang iyong Undas, narito ang tipid tips na dapat tandaan!

6 Tips Para Makontrol ang Gastos Ngayong Undas

1. Maglaan ng Kaukulang Budget 

Ang pinakaunang bagay na dapat mong isipin ay ang budget. Magkano ba ang iyong expected expenses para sa Undas? Mula sa pagkain, pamasahe hanggang sa mga kandila’t bulaklak, dapat naka-set na ang iyong budget para alam mo kung magkano ang ilalaan sa mga ito. Sa ganitong paraan din madaling ma-monitor ang iyong pera at maiiwasan ang gumastos nang higit pa sa estimated costs.

2. Wag Iwanang Nakabukas ang Kuryente sa Bahay

Karamihan sa mga tao ay nagbibiyahe tuwing Undas upang bumisita sa sementeryo. Ang iba pa nga ay ginagawa itong opportunity para makauwi sa kanilang probinsya. Kung may plano kang mag-travel ngayong All Soul’s Day, siguraduhing i-secure muna ang iyong bahay bago umalis. 

Bukod sa posibilidad ng pagnanakaw, isa rin sa dapat mong isipin ay ang kuryente. Maaring lumaki ang inyong electric bills kapag naiwan ang mga appliances na nakabukas. Siguraduhing naka-unplug ang mga appliances at nakapatay ang mga ilaw. Sa ganitong paraan hindi ka lang makakatipid, makakaiwas ka pa sa posibilidad ng sunog. 

Maliban sa electric bills, maari din tumaas ang iyong water bills kaya i-check ang mga gripo ng tubig at siguraduhing naisara ito nang maigi.

3. Mag-Book ng Travel Tickets In Advance

Dahil libu-libo ang uuwi sa probinsya para sa long weekend, maghanda sa pagdagsa ng mga tao sa bus terminals, seaports, at airports. Kasabay ng pagtaas ng demand ay ang posibilidad na magiging mas mahal din ang pamasahe. Kaya naman bumili na ng ticket nang mas maaga kung ayaw mong maubusan ng slot at magbayad ng mahal na travel fare. 

Abangan din ang promo updates ng mga airlines dahil kadalasan silang nagkakaroong ng seat sale para sa mga ‘ber’ months.

4. Bumili ng Kandila Bago Pa Man Mag-Undas

Ngayong All Soul’s Day at All Saints’ Day, siguradong magsisitaasan ang presyo ng bilihin na maaaring ialay sa patay. Dahil available na man ang mga kandila buong taon, mag-stock na ng mga ito isa or dalawang buwan bago pa man ang holiday season. Bukod sa mas mababa ang presyo, makakapili ka din ng magagandang klase ng kandila dahil hindi pa nagkakaubusan ng stock. Maari mong tingnan ang mga binebentang kandila sa Divisoria kung saan marami ang murang pagpipilian. 

Isang mahalagang paalala din na bumili lamang ng sapat na kandila. Baka naman sa sobra mong excitement na makatipid ay mapagastos ka lamang ng mas malaki. Hindi mo naman kailangang magsindi ng libu-libong kandila sa sementeryo. Dapat ay sapat lamang para makapag-alay ng dasal at respeto sa patay.

5. Umorder ng Bulaklak sa Malalapit na Flower Shops

Bukod sa kandila, inaasahan din ang pagtaas ng demand ng mga bulaklak sa papalapit na Undas. Kaya naman mukhang mapapalaki din ang iyong gastos sa mga floral arrangements. Mainam na bumili o mag-order sa pinakamalapit na floral shops sa iyo para hindi ka na mapagasto sa mga shipping at delivery fee. 

At dahil limited lamang ang supply mula Benguet, baka magkaubusan ng flowers kung hihintayin mo pa ang Araw ng Patay bago mag-order. Kung maari, bumili na ng bulaklak isang linggo bago mag-November 1 at 2. Pwede mo naman itong ma-preserve sa iyong bahay. Halimbawa, maari mong ilagay sa vase o di kaya sa refrigerator. Sigurauhin lang na gumamit ng preservative solution para di agad malanta ang mga bulaklak.

6. Magbaon ng Pagkain sa Sementeryo

Hindi talaga nawawala ang munting salu-salo tuwing Undas. Sa katunayan, madalas nauuwi pa nga ito sa family reunion. Maghanda ng baon upang di ka mapagasta ng malaki. Ang mga binebentang pagkain sa sementeryo ay di hamak na mas mahal. Bukod pa diyan, pinagbabawal din ang mga ito kung kaya’t mas makabubuti na magbaon ng sariling pagkain. Makakatulong din ang pagdala ng snacks kung sakaling magutom ka sa biyahe, lalo pa nga’t karaniwang mapapasabak ka sa long trips sa holidays kagaya nito.

Sa pag-gunita ng Araw ng Patay, mas mabuting nakahanda na ang iyong budget para sa mga gastos sa biyahe at ilang bilihin. Sa ganitong paraan masisiguro mo na hindi butas ang iyong bulsa pagkatapos ng holiday. Minsan lamang sa isang taon ang Undas kung kaya ang gastos na ito ang magsisilbi ring sakripisyo upang mapadama sa mga sumakabilang buhay na sila ay binibigyan pa rin ng halaga. ‘Wag din kalilimutang isapuso ang totoong purpose ng Undas – at yun ay mag-alay ng dasal at respeto sa mga minamahal na pumanaw na. 

Nakatulong ba ang article na ito? I-click ang link na ito para sa iba pang tipid tips.

Leave a reply