Petsa de Peligro Survival Guide for Employees

Kung ikaw ay isang ordinaryong empleyado, makakarelate ka sa tinatawag ng marami na ‘Petsa de Peligro’. Maaari pa ngang isa ka sa mga taong biglang nagtitipid sa mga petsa…

Petsa de Peligro Survival Guide for Employees

Sa tuwing malapit na ang akinse o katapusan ng buwan, marami sa atin ang tila gumagapang na para malampasan ang kinatatakutang petsa de peligro.

Kadalasan, sa dami ng bayarin, magugulat na lang tayo na ang sweldong pinakahihintay ay ubos na sa isang iglap na para bang dumaan lang sa ating mga kamay.

Pero huwag mag-alala, kapatid! Totoong may Petsa de Peligro pero hindi totoong wala kang magagawa para makasurvive sa mga araw na ito.

Narito ang 8-step Petsa de Peligro Survival Guide kasama ang ilang ‘wais’ tips para sa mga empleyado.

Petsa de Peligro Survival Guide for Employees Infographic

8 Petsa de Peligro Survival Tips 

1. Magdala ng Baon

Ang tried and tested tip para maiwasan ang dagdag gastos pag lunch break ay ang pagdadala ng baon sa work! Maaring magbaon ng canned goods gaya ng tuna, sardines, at corned beef. Pero pwede mo ring gamitin ito na opportunity para makaiwas sa fastfood. Eat healthy, ika nga! Mag-baon ng leftovers mula sa bahay. Makakasiguro ka nang malinis at healthy ang baon mo, wala ka pang masasayang na pagkain.

2. Share a Meal

Sabi nga nila, a problem halved is a problem shared! Kung may officemate kayo na struggling na rin dahil sa petsa de peligro, pwedeng makihati sa gastusin sa lunch para mas tipid.

Pwede nyo pa itong gawing bonding sa tuwing sasapit ang petsa de peligro lalo na kung ang kahati mo ay ang officemate mong sya ring nagyayaya sa ‘yo sa mamahaling kainan lalo na tuwing bagong sweldo!

3. Makisakay

Hindi lang ang pagkain ang pwedeng i-share. Kung may kapitbahay or officemate ka na nakatira malapit sa inyo, baka pwedeng makisabay muna para bawas gastos sa commute. Tandaan: mag-offer din ng pambayad sa gas para kahit papaano ay makatulong din in your own way!

4. Iwasan Muna ang Mall

Petsa de peligro man o hindi, maraming temptation pag pumunta sa mall. Madalas ay napapabili tayo ng mga bagay na hindi naman talaga kailangan, lalo na kung may sale! Hanggang maaari at kung hindi naman kailangan, umiwas sa mall para ‘di mapasubo sa gastos!

5. Ipunin ang mga Natitirang Cash

Alamin kung magkano pa ang inyong natitirang cash:

  • I-check ang mga bank account para sa extra cash na baka pwede pa i-withdraw
  • Ipunin ang mga 25-centavo coins. Eery peso counts pero pagdating ng Petsa de Peligro’ — every centavo counts!
  • Maglinis ng bahay, baka may barya sa mga sulok na makakapagtawid sa mga pangangailangan mo.

6. Mag Budget nang Mabuti

Bilangin kung ilang araw pa bago ang susunod na sweldo. I-divide ang natitirang budget sa mga araw na natitira bago ang payday. Kailangang mag-adjust ng spending habits para pagkasyahin ang pera hanggang sa susunod na sweldo.

7. Magdala Lamang ng Sapat na Pera

Para maiwasan ang mga unplanned na gastos, dalhin lamang ang amount ng pera na kailangan for the day. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang mga hindi planadong gastos habang tipid season!

8. Maghanap ng Alternatives

Isa sa mga paraan para makaluwag-luwag sa budget ay ang pagsasanla. Lalo na kung ayaw mo namang magbenta ng mga gamit na itinuturing mong mahalaga. Siguraduhin lamang na safe at trustworthy ang iyong pagsasanlaan, tulad ng CVM Pawnshop!

 

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga tips na maaring gawin para makatulong tuwing petsa de peligro. Pero alalahanin na marami pang ibang paraan para makatawid sa oras ng kagipitan!

Sa bandang huli, mas mabuti pa rin na matutong mag-budget nang naaayon sa sinusweldo. Maging wais at iwasan ang mga unnecessary na gastos at bilihin para mapagkasya pa rin kahit magkano pa man ang iyong kinikita!

Nagustuhan mo ba ang article na ito? Maging updated sa aming blog page para matutunan ang iba pang tips sa paghawak ng pera!

Leave a reply