Tuition Fee Increase? Tips Para Kumita ng Extra Budget

May anak ka bang pinapaaral? Katulad ng karamihan sa mga magulang, isa sa iyong pinagiipunan ay ang tuition fee ng iyong mga anak. Magastos ang magpaaral at kalimitan…

Tuition Fee Increase? Tips Para Kumita ng Extra Budget

May anak ka bang pinapaaral? Katulad ng karamihan sa mga magulang, isa sa iyong pinagiipunan ay ang tuition fee ng iyong mga anak. Magastos ang magpaaral at kalimitan, isang malaking problema kung bigla bigla na lang may tuition fee increase palang hindi mo naisama sa iyong napagipunan! 

Naistress ka na ba at ‘di na alam kung san kakapit? 

Huwag mangamba dahil ang kakulangan sa budget ay hindi kailangang maging rason para i-sacrifice ang future ng iyong mga anak. Sabi nga nila, ‘If there’s a will, there’s a way!’ Narito ang ilang tips na magtuturo sa ‘yo ng mga pamamaraan para kumita ng extra income na maari mong gamiting pandagdag sa tuition ng iyong anak. 

7 Tips Para Sa Extra Budget Pang Tuition 

1. Ibenta ang mga lumang gamit na hindi na pinapakinabangan. 

Mayroon ba kayong mga damit na hindi na sinusuot? O baka naman ay mayroong lumang musical instrument na hindi na nagagamit? Imbis na alikabukin at maging tambak sa bahay ang mga ito, pwedeng subukang ibenta ang inyong lumang gamit!

Maaaring magbenta sa pamamagitan ng isang ‘Garage Sale’. Pwede ka ring magbenta ng lumang gamit online. Nandyan ang Facebook o kaya naman ang mga buy-and-sell platforms tulad ng carousell.ph at MyBenta.com

2. Kumita sa kusina

Magaling ka bang  magluto? Huwag sayangin ang  opportunity nakumita mula sa iyong talent sa pagluluto! Kung laging patok ang inyong mga recipe sa tuwing may family gathering, ngayon ang tamang panahon para pagkakitaan mo naman ang inyong cooking skills. 

Kung nahihirapan ka namang magluto ng mga mabusising putahe,  maaring magsimula sa simpleng snacks tulad ng hotcakes, halo-halo, o kaya naman ay mais con yelo. Sabi nga nila, pag may ‘tiyaga, may nilaga! 

3. Work from home opportunities 

Dahil tayo ay nasa digital age na, maraming opportunities online para sa freelance work. Ang mga skills katulad ng writing, graphic design, programming, web development, at social media marketing ay very in demand sa panahon ngayon. Ito ang ilan sa mga platforms kung saan ka pwedeng maghanap ng freelance work:

4. Sumagot ng surveys 

Mayroon ding opportunity para magkaroon ng  extra money sa pamamagitan ng pagsagot ng surveys. Kailangan mo lang sumubok ng mga bagong websites at produkto. Basta mayroon kang internet access, pwedeng pwede kang  mag-participate at kumita sa mga online surveys. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod:

  • Triaba ( kumita ng up to P91.00 kada survey)
  • Univox (nagbibigay ng  $2.00 incentives para sa netizens na nag-sign up)
  • Viewfruit (nagooffer ng raffles for more rewards)
  • Surveytime (nagbibigay ng  $1.00 kada survey)

5. Help your neighbors

Kung gusting kumita ng extra budget at makatulong na rin sa community, maaring magtanong-tanong sa inyong barangay kung mayroong naghahanap ng tulong sa pang-araw araw na gawain. Baka mayroon kayong kapit bahay na nangangailangan ng tutor para sa kanilang anak, o kaya naman ay kakilalang naghahanap ng magbabantay ng mga bata? 

Tandaan, maraming opportunity, basta’t pursigidong maghanap!

6. Mag-apply ng educational loan

Kung pinag-iisipan niyong umutang muna para sa pang-tuition ng mga bata, imbis na mangutang sa mga kakilala, maari kang mag-apply ng educational loan sa mga reputable lenders. Sa ganitong paraan, mas malinaw ang terms ng loan!

7. Subukan ang Gadget Pawning

May mga bagay na pwedeng maging kapaki-pakinabang lalo na sa panahong gipit ka sa pera! Ang mga gadgets na nasa bahay lamang at walang gumagamit ay maaring gamiting pandagdag sa iyong budget. Ang maganda pa dito, hindi mo kailangang ibenta ang mga gadget na mahalaga sa iyo! 

Alalahanin ang mga tips na ito lalo na sa tuwing dumarating ang mga panahon na  ikaw ay kinakapos sa budget na pampaaral sa iyong mga anak. Laging tandaan na maraming paraan para kumita ng extra budget, kailangan lang natin maging creative at positive!Nakatulong ba ang article na ito?

Palaging maging updated sa aming blog for more financial management tips!

Leave a reply