Palaguin ang ‘yong online business ngayong pandemic

Palaguin ang ‘yong online business ngayong pandemic

Ngayong stay-at-home ang nakararami sa atin habang pandemya, isa sa mga boom na boom ngayon ang online shopping. Naging oportunidad na rin ito para sa mga maraming Pilipino na magsimula ng kani-kanilang mga online business para kumita ng pandagdag gastusin. Bukod sa madaling makahanap ng customer online, hindi rin malaki ang kailangang puhunan ‘pagka’t walang binabayarang pwesto at hindi rin kailangan ng maraming tauhan.

Marami nang naibalita na yumaman dahil sa online business at dahil dito, talaga nga namang nakaka-engganyo magsimula ng sariling negosyo sa Internet. Ngunit sa dami ng kakumpetensya online, anu-ano ba ang mga paraan para maging successful ang iyong online tindahan? Narito ang limang tips para mapalago ang bago mong negosyo!

 

1. MAG-RESEARCH UKOL SA NEGOSYO

Isa sa mga pinaka-importanteng parte ng pagsisimula ng negosyo ay ang pag-re-research tungkol dito.

Mag-ikot sa social media sites at sa mga online shopping apps upang malaman kung ano ang mga produkto na patok at kung ano ang mga hinahanap ng mga mamimili na wala pa masyadong nagtitinda. At kung may mapusuan ka nang paninda, maigi na tignan din ang mga kakumpetensya upang malaman kung ano ang mga magagandang nagawa nila at kung ano pa ang pwedeng i-improve.

Maganda na magsimula ng negosyo na pangmatagalan. Maraming produkto na nagte-trending pero pagkatapos ng ilang buwan ay hindi na bumebenta. Isipin ang mga paraan para masiguro na ang online business mo ay babalik-balikan.

2. MAG-REGISTER SA IBA’T IBANG BUY AND SELL APPS

Ang mga buy and sell app ang magsisilbing pwesto ng iyong online business at magiging paraan upang makakuha ng customer. Alamin kung anong mga apps ang magandang gamitin para sa uri ng produkto na iyong ititinda.

Isa sa mga magandang gamitin para sa kahit anong negosyo ay ang Facebook Marketplace. Bukod sa madali itong gamitin dahil diretso na ito sa iyong Facebook app, karamihan din ng Pilipino ay aktibong gumagamit ng Facebook kaya maraming posibleng maging customer. Maaari din magtinda ng iba’t ibang produkto dito katulad ng pagkain, damit at handicrafts.

Ilan pa sa mga apps na pwede gamitin ay:

3. GAMITIN ANG SOCIAL MEDIA PARA MAPALAPIT SA CUSTOMER

Bihira na ang makakita ng negosyo, online man o hindi, na walang Facebook page o kung anumang social media account. Ito’y dahil isa sa mga madaling paraan para mapalapit sa potential customer at mapansin ang iyong negosyo.

Para sa mga online negosyante, magandang gumawa ng Facebook page at Instagram account dahil dito may pinakamaraming Filipino users. Sa pagbuo ng page, siguraduhing lahat ng importanteng impormasyon ay nakalagay sa profile tulad ng contact details, business hours, paano umorder, presyo ng produkto atbp.

Magandang paraan din ang social media para mag-advertise ng produkto. Ugaliing mag-post ng picture o video ng mga produkto. Ngayon, hindi mo na kailangan maging artist para gumawa ng magandang design para sa mga Facebook at Instagram posts. May mga app na gaya ng Canva kung saan pwede gumawa ng iba’t ibang design para sa photo posts, video at FB/IG Stories.

4. SUMALI SA MGA ONLINE GROUPS

Isa sa mga dumadami ngayon sa social media ang mga buy and sell groups, lalo na sa Facebook. Bukod sa mga general buy and sell groups, may mga groups na nagtitinda ng mga partikular na produkto at meron ding nakatali sa partikular na lugar. Maganda itong paraan para makahanap ng mga sure buyer na malapit sa iyong negosyo.

Isa pang kagandahan ng mga online buy and sell groups ay mabilis kumalat ang balita kapag nagustuhan ang iyong produkto na siya namang paraan para dumami ang interesado sa iyong mga paninda.

5. ALAGAAN ANG CUSTOMER

Isa sa mga kagandahan ng online business ay madali makakuha ng feedback mula sa mga mamimili. Importante na pakinggan ang mga ito dahil dito ka makakuha ng ideya kung paano pagbutihin at palawakin ang iyong mga produkto at negosyo.

Susi sa pangmatagalang negosyo ang pangmatagalang customer. Dapat mabuo ang loyalty ng mga customer para tiyak na babalik-balikan ang iyong negosyo.

 

 

Isang magandang oportunidad ang online business upang kumita ng pera na hindi kailangan ng napakalaking puhunan. Alalahanin ang mga praktikal na tips na ito nang baka sakali’y ito na ang maging tulay sa kayamanan. Happy selling, kabida!

Ugaliing tumambay sa CVM blog para sa mga tips sa negosyo, sa pag-budget at iba pang kaalaman.

Leave a reply