PASKO NA NAMAN: PAANO I-CELEBRATE ANG CHRISTMAS NA HINDI MASAKIT SA BULSA

PASKO NA NAMAN: PAANO I-CELEBRATE ANG CHRISTMAS NA HINDI MASAKIT SA BULSA

Sa tuwing sumasapit ang Pasko, malaking gastos din ang sinasapit ng ating mga bulsa. Nariyan ang gasutsin para sa mga dekorasyon, regalo, at syempre ang handaan sa Noche Buena. Isama na rin natin ang gastusin para sa Media Noche ng Bagong Taon.
Totoong malaking challenge ang pagtitipid tuwing Christmas season, kahit na may thirteenth month pay ka pang makuha. Pero huwag kayong mag-alala. Heto ang ilang tips para makatipid kayo habang ginagawang happy pa rin ang inyong Pasko.

 

GUMAWA NG LISTAHAN NG MGA REREGALUHAN

Malaking tulong ang listahan para alam niyo kung sino lang ang dapat niyong bigyan ng regalo. Magsimula muna sa mga taong malalapit sa puso niyo—asawa, mga anak, mga inaanak, mga kapatid at magulang, matalik na kaibigan, at kung sino pang iba.

At kapag may listahan ka na, mas madali na mag-budget para sa isa’t isa.

 

MAGREGALO NA PANGMARAMIHAN

Malaki ang matitipid niyo kung pwedeng i-share ang inyong regalo sa maraming tao. Halimbawa, cookies! Pwedeng pwede maghatian ang buong pamilya ng kaibigan o kamag-anak niyo sa munting regalo na ito.

Iwasan muna ang mga mamahaling personal gifts. Kung gusto niyo ng personal touch, pwede kayong magsulat ng personal Christmas card na isasama niyo sa inyong mga regalo.

 

BAWASAN ANG CHRISTMAS LIGHTS

Tataas lang ang bill ng kuryente kung magkakabit kayo ng Christmas lights. Kung gusto niyo magkaroon ng kulay ang inyong tahanan, mag-arts and crafts muna kayo at gumawa ng sarili ninyong mga dekorasyon, tulad ng parol! Mura lang ang colored paper, glue, barbeque stick, panali, at gunting. Pwede pang sumama ang buong pamilya sa inyong munting Christmas project.

Kung gusto niyo talaga magsabit ng Christmas lights, piliin ang mga gumagamit ng LED. Mas mababa ang konsumo ng LED sa kuryente kumpara sa mga ilaw na gumagamit ng incandescent bulbs.

 

GAMITIN ANG LUMANG DECORATIONS

Kung hindi pa naman sira-sira ang mga lumang dekorasyon, gamitin niyo muna ang mga ito para sa Pasko. Pwede rin niyo idaan sa arts and crafts ang maggupit muna kayo ng mga colored paper para gumawa ng mga pansabit

Leave a reply