FAQs

Frequently

Asked

Questions

Sa CVM Pawnshop, priority naming ang convenience niyo. Para sa mabilis at masarap na transaksyon, ito ang ilan sa mga karaniwang katanungan ng aming mga mahal na customers.

 

Convenience is at the heart of what we do. Please browse the information below for the most common questions and concerns we receive from our customers about our services.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Ang CVM Pawnshop ay laging handang maging solution provider with high energy para sa inyo. Mayroon po kaming swak na produkto at serbisyo sa inyo tulad ng: 

  • Gadget and Jewelry Sanla
  • Bills Payment
  • Money Exchange
  • Money Remittance
  • Cellphone Load

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Madali at simple lang po ang proseso ng pagsasanla sa CVM:

 

1. Dalhin ang inyong item sa pinakamalapit na CVM branch.
Kung cellphone o gadgets, siguraduhin lang po na at least 80% charged ang battery nito. Mga mahal naming customers, huwag din po natin kalimutang magdala ng ID, ha.

 

2. Ipa-appraise sa ating Masarap Kausap branch operations specialist ang inyong item at sagutan ang ating forms.

 

3. Tanggapin at bilangin ang inyong cash.

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Ang inyo pong Gadget Leader na CVM Pawnshop and Money Changer ay tumatanggap ng pinakamaraming brand at model ng iba’t ibang klase ng cellphone at gadgets. Bukod iyan sa alahas na tinatanggap din namin sa mataas na halaga.

 

Bumisita lang po sa alin man sa aming mahigit na 100 branches para sa inyong mga:

  • Cellphone
  • Laptop
  • Tablet
  • DSLR
  • GoPro
  • Smart Watch
  • Hard Drive
  • PS Vita
  • Nintendo 3DS
  • Macbook
  • Jewelry

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Kung nais mong maging parte ng CVM Pawnshop and Money Changer Team, i-submit lang ang iyong updated resume sa: askCVM@cvmpawnshops.com.

 

Kung nakapag-submit na, maaari ka namang mag-follow-up through text or call sa: (02) 8706 5326 or (0943) 142 4125.

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Kung mawala sa hindi inaasahang pagkakataon ang inyong pawn ticket, huwag mag-alala, narito kami para tumulong sa iyo:

  1. Pumunta lang agad sa CVM Pawnshop and Money Changer branch kung saan nagsanla.
  2. Mag-submit ng mga sumusunod na requirements: Affidavit of Loss at Two (2) Valid IDs.

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Kung sakali pong hindi available ang pawner para magtubo o magtubos ng sanla, narito ang simpleng hakbang na kailagan gawin:

  1. Gumawa ng handwritten Authorization Letter para sa authorized representative.
  2. Malinaw na ilagay ang pangalan ng ino-authorize para magtubo o magtubos.
  3. Ang Authorization Letter ay kailangang may pirma ng pawner.
  4. Magpadala ng photocopy ng isang (1) Valid ID ng pawner.
  5. Magdala ng photocopy ng isang (1) Valid ID ng iyong authorized representative.

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Ang tubo at tubos po ay mula Monday hanggang Saturday sa lahat ng aming branches.

 

Kung matapat ng Sunday ang inyong maturity date, huwag po kayong magalala dahil hindi po kayo magkakaroon ng penalty or charges pagbisita ninyo sa aming branches kinabukasan (Monday).

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Kung sakaling lumampas ang sinanlang cellphone o gadget sa 30-day agreement, huwag mag-alala, mayroon ka pang grace period na 10 days para matubuan o matubos ang iyong item. Bawat araw sa grace period ay may additional charge na 1% lamang. 

 

Thank you.

Masarap na Araw, mahal naming customers!

 

Dito po sa CVM Pawnshop and Money Changer, bida talaga ang nagtitiwala sa aming magpapalit ng pera. May 21 na ibat-ibang foreign currencies na pwede rito!

 

Bukod sa mga kadalasan pinapapalit o bilhin tulad ng:

 

US Dollar (USD)
Japan Yen (JPY)
Euro (EUR) 
Great Britain Pound (GBP)

 

Tumatanggap at nagbebenta rin kami sa aming mga branches ng:

  • Arab Emirates Dirham (AED)
  • Australian Dollar (AUD)
  • Bahrain Dinar (BHD)
  • Brunei Dollar (BND)
  • Canadian Dollar (CAD)
  • China Yuan Renminbi (CNY)
  • Hong Kong Dollar (HKD)
  • Korean Won (KRW)
  • Kuwait Dinar (KWD)
  • Malaysian Ringgit (MYR)
  • New Zealand Dollar (NZD)
  • Qatar Riyal (QAR)
  • Saudi Arab Riyal (SAR)
  • Singapore Dollar (SGD)
  • Swiss Franc (CHF)
  • Taiwan Dollar (TWD)
  • Thailand Baht (THB)

Thank you.